“Feelings” Christian Hugot by Althea Fineza

Feelings

Magsimula tayong lahat sa FEELINGS walong letra
Isang salita pero ang daming napapaniwala
Yung tipong feeling mo crush ka niya pero yung totoo hindi pala
Yung feeling mo mahal ka niya pero yung totoo may iba na! Yan tayo eh!

Ang bilis nating maniwala sa feelings
Na kahit simpleng kilos ni crush binibigyan na natin ng meaning
Ayan tulog wala kayong happy ending!
Pangalawa, Social Media dito mo daw makikita ang iyong forever

Ika nga nila yung tipong nagsco-scroll kalang sa Facebook
Tapos nakita mo profile niya na may caption na “My Day Look”
Natamaan ka bigla sa ganda niyang katangi-tangi
Ang iyong marupok na puso ay kanyang nabighani

Nagsimula magchat, tumagal ng one month
Naging magkaibigan hanggang sa nagligawan
Nagkaseryosohan pero sa huli naghiwalayan
Para sa akin, ganyan ang love ng kabataan

Panandalian lamang, tanong ko lang.
Bakit paba magtatawagan ng “Mahal”?
Kung sa huli hindi rin naman magtatagal
Bakit magsasabi ng Hi?
kung mauuwi rin naman sa goodbye?

Tayong mga tao ang hilig nating maghanap ng pag ibig na panandalian
Tapos kapag nasaktan sasabihing lahat ng lalaki o babae ay mang iiwan
Bakit hindi tayo mag settle sa pag ibig na pangmatagalan
Yung tipong hindi lang sa salita yung katagang hindi kita iiwan

Dapat din ay maisakatuparan tingin sa kaliwa, tingin sa kanan
Tingin ka ng tingin kahit saan.
Bakit hindi mo makita ang nasa iyong harapan?
Sino? Ang diyos,Si kristo.
Siya na ang anak ay isinakripisyo para sayo

Siya na nagmamahal sayo ng totoo
Pero hindi mo makita kita
Bakit? Kasi mas nakafocus ka sa ibang tao.
Mas nakafocus ka sa nararamdaman mo

Sa tingin niyo ba sa pag ibig kayo lang ang nasasaktan?
Ni minsan ba hindi sumagi sa inyong munting kaisipan
Kung ano ang nararamdaman ng diyos sa tuwing ikaw ay gumagawa ng kasalanan?
Sa tuwing mas pinatutuonan natin ang atensyon ang ating pansariling kaligayahan?

Pighati? Kirot? Sakit?
Mas malala pa diyan ang kanyang nararamdaman
Pero dahil sa sobrang pagmamahal niya sa atin
Kayang kaya niya tayong patawarin

Kaya huwag mong sasabihing walang nagmamahal sayo kaibigan
Dahil meroon nasa itaas, nasa kalangitan
Kaya’t palaging tandaan
Hindi ka man crush ng iyong nagugustuhan
May diyos naman na nagmamahal sayo ng lubusan

Don’t settle yourself in a love that will pass
Settle yourself in a love that lasts.
Yung tipong taong may takot at tiwala sa Diyos.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *